DepEd, isusulong ang makabagong teknolohiya sa pagtuturo

Pinalalakas ng Department of Education (DepEd) ang mga inisyatibo sa paggamit ng makabagong teknolohiya para sa pagtuturo.

Ito ay bilang paghahanda na rin sa pagbubukas ng bagong school year sa harap ng COVID-19 pandemic.

Sa Laging Handa Public Press Briefing, sinabi ni Education Secretary Leonor Magtolis-Briones, sinimulan na nilang mamahagi ng gadgets para sa inaasahang pagpapalit o pagdepende sa teknolohiya.


Dagdag pa ng kalihim, inuunti-unti nang binabawasan ang pagkadepende sa mga printed materials lalo na at magastos ito at nakakaapekto sa kapaligiran.

Kasalukuyang pinaplano ng kagawaran ang pagbubukas ng bagong school year kung saan mayroon silang mga plano para sa iba’t ibang sitwasyon o posibilidad.

Facebook Comments