DepEd, magde-deploy ng 15-K school principals ngayong taon

Magde-deploy na ang Department of Education (DepEd) ng mahigit 15,000 na mga kwalipikadong mga guro para maging principals.

Sa harap ito ng kakulangan sa mga school principal sa bansa.

Maglalabas din ang DepEd ng interim guidelines para matiyak na ang mga principal na naka-detailed sa mga opisina ay maibabalik sa kanilang assigned schools.


Nakapaloob din sa guidelines ang reassignment ng surplus principal positions sa mga nangangailangang eskwelahan.

Una nang iniulat ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), na 55% ng public schools sa bansa ang nag-o-operate nang walang principals.

Facebook Comments