Development agenda sa BARMM, suportado ng administrasyong Marcos

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na buo ang suporta ng kanyang administrasyon para sa ikakaunlad ng rehiyon.

Sa kauna-unahang BARMM Local Legislative General Assembly sa Davao City, sinabi ni Pangulong Marcos na susuportahan ng national government ang itinutulak na development agenda para makamit ang sustainability at peaceful self-governance ng BARMM.

Dagdag pa ng pangulo, hindi nito itinuturing ang problema ng Mindanao ay sa Mindanao lang dahil ang problema nito ay problema din ng buong bansa.


Samantala, inaasahan naman ni Pangulong Marcos na magbubunga ng mga polisiya na naaayon sa programa ng pamahalaan ang dalawang araw na Local Legislative General Assembly ng BARMM, para sa ikakaunlad ng rehiyon.

Facebook Comments