KRESS CUP 2023 BANCARERA NATIONAL CHAMPIONSHIP MULING GAGANAPIN SA BAYAN NG MALAY

Kalibo, Aklan – Muling gaganapin sa bayan ng Malay ang Kress Cup 2023 Bancarera Philippines National Championship.
Ayon sa Malay Tourism Office, na handa na ang LGU-Malay sa gaganaping pinakamalaking motorboat racing competition sa bansa, ang Kress Cup Bancarera Championship.
Ang national championship ay gaganapin na simula bukas Nobyembre 15 hanggang 19 sa Brgy. Balusbos, Mainland Malay, Aklan kung saan magmumula pa ang mga participant sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Kung matandaan na, ginanap rin ang Kress Cup Bancarera Championship sa Malay noong 2022.
Facebook Comments