DFA, kinilala ang isa pang Pilipino na nasawi sa magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ikalawang Pilipino na nasawi sa magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar.

Nakausap na ng DFA ang pamilya ng nasawing Pilipino at nakikiusap muna sa media na respetuhin ang kanilang privacy at hindi muna maglalabas ang DFA ng iba pang detalye.

Umaasa ang DFA na mahahanap ang dalawa pang Pilipino na nawawala sa Mandalay, Myanmar.


Facebook Comments