DFA, pinag-aaralan na ang pagbaba sa Alert Level 2 sa Israel

Pinag-aaralan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ibaba sa Alert Level 2 ang Israel.

Inanunsyo ito nina Foreign Affairs Undersecretaries Eduardo de Vega at Germinia Aguilar-Usudan, kasunod ng rekomendasyon ng Philippine Embassy sa Tel-Aviv.

Nilinaw naman ni Usec. Usudan na sa ngayon ay wala pang balak na ibaba sa Alert Level 2 ang Iran.

Kinumpirma rin ni Usec. De Vega na tuloy pa rin ang deployment ng OFWs sa iba pang Arab countries, maliban lamang sa Lebanon na nasa ilalim pa rin ng Alert Level 2.

Nilinaw rin ng DFA na suspendido pa rin ang deployment ng OFWs sa Israel kahit maibaba pa ito sa Alert Level 2.

Facebook Comments