Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Pinoy na nasa Singapore ang nagpositibo sa Monkeypox.
Ayon kay DFA Spokesperson Teresita Daza, isang lalaki ang pasyente na stable na naman ngayon ang kalagayan.
Batay naman sa monkeypox local situation report ng Ministry of Health (MOH) ng Singapore, ang naturang pasyente ay nasa 31 anyos ang edad at nagpositibo sa virus noong July 25.
Unang nakaranas ng sintomas ang pasyente noong July 21 nang lagnatin ito at kalaunan ay nagkaroon ng rashes sa mukha at katawan.
Dinala sa Singapore General Hospital ang pasyente habang nagpapatuloy naman ang contact tracing.
Facebook Comments