
Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na operational ang lahat ng communication networks ng ahensya sa Middle East na magagamit ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at ng mga kababayang naiipit sa kaguluhan sa rehiyon.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations, siniguro ni Asec. Ezzedin Tago na nananatiling bukas at tumutugon ang mga linya ng serbisyo ng mga foreign service post, sa kabila ng naunang ulat na may hindi nasasagot na hotlines.
Ayon sa DFA, inatasan nilang managot agad ang mga post at panatilihing bukas ang mga linya para sa tawag at tulong ng mga kababayan. Nagpatayo rin ang karamihan sa mga embahada ng WhatsApp channels para sa monitoring ng developments at agarang pagresponde. Pinapa-update din nila ang mga phone numbers ng embahada at ng Migrant Workers Office (MWO), at paulit-ulit itong ipinopost sa opisyal na social media accounts ng pamahalaan.
Samantala, sinabi ni Hans Leo Cacdac, Secretary ng Department of Migrant Workers, na nakausap na nila ang Filipino communities sa walong bansa sa rehiyon para sa tuloy-tuloy na monitoring. Idinagdag niya na may limang bansa na kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang DMW upang simulan ang repatriation efforts kung kinakailangan.










