DILG, ipinaalala sa mga LGU na tutukan ang Disaster Response Operations

31

Ipinaalala ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na tutukan ang Disaster Response Operations kasabay ng pananalasa ng Bagyong Tisoy.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, dapat siguraduhing ang mga Gobernador, Alkalde, at mga punong Barangay ay nasa kani-kanilang Command Center para bantayan ang sitwasyon sa kanilang nasasakupan.


Maging alerto rin dapat ang mga lgu lalo na sa lagay ng karagatan at ilog dahil sa inaasahang pagtaas ng lebel nito.

Pinatitityak din ng dilg sa mga lgu ang maayos na communication lines para abisuhan ang mga local community hinggil sa situation updates at preparedness actions, maging ang pag-abiso sa national government kung ano ang tulong ang kakailanganin para sa mga apektadong komunidad.

Facebook Comments

From Advertisers