DISMAYADO | Mabagal na pagbibigay ng ayuda sa mga manggagawang apektado ng Boracay closure, ikinadismaya

Dismayado ang ilang mambabatas sa mabagal na pagbibigay ayuda sa mga manggagawang naapektuhan ng pagsasara ng isla ng Boracay.

Sa pagdinig ng House Committee on Natural Resources, inamin ni Labor Assistant Secretary Joji Aragon na nasa mahigit 5,000 manggagawa pa lang ang nabibigyan ng tulong mula sa 17,000 na nagpalista.

Lumabas rin sa pagdinig na sa P450 milyon na alokasyon na tulong sa mga manggagawa, P20 milyon pa lang ang nare-release at naipamahagi.


Napag-alaman din na kalahati lang ng mga commercial establishment ang nakakonekta sa sewerage system.

Kasabay nito, sinita naman ni ACT Teacher Partylist Representative France Castro si Malay, Aklan Mayor Ceciron Cawaling dahil sa mistulang kawalan ng pangkahalatang plano ng gobyerno sa rehabilitasyon ng Boracay.

Giit naman ni Representative Arnel Ty, pinuno ng komite na hindi katanggap-tanggap na maliit na pondo pa lamang ang nailalabas na tulong para sa mga taga-Boracay.

Facebook Comments