
Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na mababa ang supply ngayon ng LPG sa bansa.
Gayunman, tiniyak ni Energy Secretary Sharon Garin na may padating na karagdagang supply ng LPG na in-order ng Philippine National Oil Company.
Karagdagang 22,000 metriko toneladang LPG ang inaasahang dadating sa bansa sa susunod na buwan.
Tiniyak din ng DOE na patuloy silang naghahanap ng alternatibong sources upang mapataas ang imbentaryo ng LPG.
Samanatala, inihayag ni Garin na mahigit 54 na araw naman ang imbentaryo ng gasolina, 48 araw ang diesel, 104 araw ang kerosene at 67 araw ang jet fuel.
Facebook Comments










