Wednesday, April 15, 2026

Sen. Imee, tinawag na sinungaling si Ramil Madriaga

Tahasang tinawag ni Senator Imee Marcos na sinungaling ang iniharap na witness kahapon ng House Justice Committee na si Ramil Madriaga.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Sen. Marcos na taliwas sa sinabi ni Madriaga, hindi totoong nagkasundo na mag-term sharing ang kampo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte noong kampanya.

Giit ng senadora, alam na alam niya ang nangyari dahil siya mismo ang tumulong para mabuo noon ang UNITEAM.

Iprinisinta ni Sen. Imee ang timeline kung paano nabuo ang tandem ng dalawa at ito ay hindi na ipinaalam noon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinakita rin ng mambabatas ang ilan sa mga napag-usapan at ang binuong chat group bago nabuo ang tandem na PBBM at VP Sara.

Samantala, nananawagan ang senadora sa kanyang kapatid na pangulo na huwag kunsintihin ang kasinungalingan ni Madriaga.

Facebook Comments