Wednesday, April 15, 2026

Approval ng NAPOLCOM sa higit 7,000 na promotion slots ng mga PNP personnel sa unang cycle ng 2026, welcome sa PNP

Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang approval sa 7,516 promotion slots para sa mga uniformed personnel sa unang cycle ng 2026 Regular Promotion Program na awtorisadp ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Kung saan sa nasabing kabuuang naprubahang quota higit 1,000 rito ay inilaan para sa ranggong Police Corporal (PCpl), higit 1,000 rin para sa ranggong Police Staff Sergeant (PSSg), 580 para sa Police Master Sergeant (PMSg), 651 sa Police Senior Master Sergeant (PSMS) at 194 para sa Police Executive Master Sergeant (PEMS).

Habang sa Police Commissioned Officer ranks, 607 na posisyon ang inilaan para sa ranggong Police Lt., 320 para sa Police Captain, higit 1,000 para sa Police Major, at 263 para sa Police Lt. Colonel na posisyon.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang nasabing promosyon ay hindi lang dagdag sa ranggo kundi ito ay dagdag sa pananagutan sa mamamayan.

Aniya, habang inaasahan ang pagtaas ng ranggo ng mga personnel ay inaasahan din na sila ay magiging halimbawa, kikilos ng may integridad at magsisilbi sa bayan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Nartatez sa NAPOLCOM sa patuloy nitong suporta sa pagsasagawa ng patas at transparent na promotion system.

Facebook Comments