DOH, nakapagtala lamang higit 1,000 panibagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa

Naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) ang nasa 1,712 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Dahil dito, bumaba sa 60,532 naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 habang 77 ang nadagdag sa mga pumanaw at 3,686 ang nadagdag din sa mga gumaling.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ng mga gumaling at nasawi sa bansa, nasa 3,535,987 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober at 55,684 ang mga namatay.


Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 18, 2022 habang mayroong tatlong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng tatlong laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na nasuri at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Facebook Comments