
Sa inilabas na pahayag ng Philippine National Police (PNP0 sinabi nito na handa silang magbigay ng kinakailangang tulong at suporta para tiyakin na ang lahat ng legal na proseso ay maisagawa para sa pagbabalik ni Zaldy Co sa bansa.
Ayon sa PNP, batid nila ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungkol sa ulat na naaresto si Zaldy Co at kasalukuyang nakadetained sa Prague sa ilalim ng kustodiya ng mga otoridad sa bansang Czech Republic.
Kung saan nakikipagugnayan na rin umano sila sa mga kaukulang ahensya at internal counterparts para sa beripikasyon ng mga detalye sa nasabing pangyayari.
Tiniyak naman ng PNP na magbibigay sila ng mga update patungkol sa nasabing impormasyon.
Facebook Comments










