Doktor ng DOH, huli sa buy-bust operation sa Mandaluyong

Mandaluyong City – DOH medical officer 4 ng Mandaluyong City na si Dr. Vanjoe De Guzman inaresto dahil sa pagbebenta ng shabu at pagpapatakbo ng drug den sa Mandaluyong City.

Ayon kay PDEA Special Enforcement Service Director Levi Ortiz, may nagsumbong kaugnay sa ilegal na aktibidad ng doktor, apat na buwan binantayan ang kilos ni Dr. De Guzman at kaninang alas dose ng hating gabi ay tuluyan na itong naaresto.

Ginagawang drug den ang condominium ni Doctor De Guzman kaya at nahirapan ang mga otoridad sa operasyon.


Injectable shabu ang ginagamit ni De Guzman kung saan inabutan sa loob ng drug den ang 14 na iba pang adik.

Bukod sa drug paraphernalia, aabot sa P300,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek.

Facebook Comments