DOLE ISABELA, ISASAGAWA ANG KAUNA-UNAHANG INTERNSHIP FAIR SA LALAWIGAN

39
Nakatakda ng magsimula ang Government Internship Program (GIP)–Internship Fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) Isabela Field Office sa Setyembre 27, 2022 na gaganapin sa Provincial Capitol Amphitheatre, Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Ito ang kauna-unahang internship fair na isasagawa sa lalawigan sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Ayon sa impormasyon na ibinahagi ng DOLE Isabela, tatanggap ang ahensiya ng 80 interns na maitatalaga sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa Isabela mula October 1 hanggang December 30, 2022.

Dagdag pa rito, makatatanggap ang mga makukuhang interns ng allowance na nagkakahalaga ng 400 pesos kada araw.

Nagpaalala naman ang DOLE Isabela na magkakaroon ng Online Pre-registration para sa mga nag nanais mag-apply.

Facebook Comments