DOLE, itinangging itinigil na ang pagtanggap ng aplikasyon para sa DOLE-AKAP program

Tinawag na fake news ni Department of Labor ang Employment Secretary Silvestre Bello III ang paghinto umano sa pagtanggap ng ahensya ng aplikasyon para sa DOLE-AKAP Program.

Ang nasabing programa ay nagbibigay ng $200 sa mga displaced Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t-ibang panig ng mundo dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Bello na nagpapatuloy pa rin ang pagtanggap nila ng aplikasyon.


Sa katunayan, dinagdagan pa ng ₱1B ng Department of Budget and Management (DBM) ang kanilang pondo para sa naturang programa.

Paliwanag ni Bello, noong una ₱1.5B lamang ang hiningi nilang pondo sa DBM para sa tinatayang 150,000 na OFWs pero mababa pala ang kanilang pagtantya dahil higit 400,000 na mga OFW na ang nag-apply sa DOLE AKAP Program.

Sa ngayon, nasa 411,000 OFWS na ang nag-apply sa programa kung saan nasa higit 100,000 OFWs ang napagkalooban nila ng $200 o ₱10,000 na cash emergency subsidy.

Facebook Comments