DPWH, sasamantalahin ang Holy Week para madaliin ang konstruksyon ng flood control project sa Maynila

Manila, Philippines – Sasamantalahin ng DPWH ang Holy Week para madaliin ang konstruksyon ng flood control project sa Maynila habang hindi mabigat ang daloy ng trapiko.

Partikular na mag-i-install ng mga drainage structures sa northbound lane ng Bonifacio Drive Corner P. Burgos Street sa port area na madalas bahain tuwing tag-ulan.

Nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa MMDA, Meralco at Maynilad para sa maayos na implementasyon ng proyekto.


Samantala, sa Miyerkules, April 12 sasaraduhan na ang naturang kalsada.

Pinayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Nation”

Facebook Comments