Droga nasawata sa crew ng isang Milk Tea Shop sa Pangasinan

Nasawata sa bahay ng isang empleyado ng milk tea shop ang hinihinalang shabu sa Binmaley, Pangasinan.
Kinilala ang suspek na si Jhonel “Junnel” Tudayan, 25 anyos at empleyado ng isang milk tea shop.
Sa bisa ng search warrant ay hinalughog ng otoridad ang bahay ng suspek at nakuha mula sa kanya ang pitong sachet ng hinihinalang shabu.
Dinala naman si Tudayan sa himpilan ng Binmaley PS maging ang mga nakuha mula sa kanya.
Kaso paglabag sa RA 9165 o Comprehenshive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.

Facebook Comments