Pinalalawig ng pamahalaan ang drug-clearing operations sa Pangasinan bilang bahagi ng patuloy na kampanya upang mapanatili ang seguridad ng publiko.
Tinalakay ito ng mga opisyal ng pamahalaan at iba’t ibang ahensya sa ginanap na 1st Joint Quarterly Meeting 2026 sa pagitan ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) sa Lingayen.
Kabilang sa mga napag-usapan ang pagpapalakas ng kampanya laban sa kriminalidad, insurgency, at ilegal na droga, kabilang ang pagpapalawak ng barangay drug-clearing operations at pamamahala ng mga rehabilitation program para sa mga indibidwal na gumagamit ng ilegal na droga.
Ibinahagi rin sa pulong ang pinakahuling ulat sa peace and order situation sa lalawigan.
Dumalo rin sa pagpupulong ang mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Army 702nd Infantry Brigade, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










