Mga simbahan, sinisilip na gamitin bilang mega vaccination site – DOH

28

Sinisilip na ng pamahalaan ang mga simbahan bilang mega vaccination site.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang proposal ay ibinigay ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG).


Ang mga simbahan aniya ay mayroong maayos na ventilation lalo na ang mga malalaking simbahan.

Bukod sa simbahan, pinag-aaralan din kung pwedeng gamitin bilang vaccination sites ang mga pribadong ospital, malls at maging ang mga parking areas.

Facebook Comments