Nakatakdang maglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng bagong listahan ng Suggested Retail Price (SRP) ng mga school supplies.
Sabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual, pinare-review na niya ang SRP ng mga school supplies dahil kulang o malabong detalye tungkol sa mga produkto na nagdudulot ng kalituhan sa mga konsyumer.
Sa lumang listahan kasi, nakasaad lamang ang generic item ng isang produkto at ang price range nito pero hindi ipinapaliwanag na kaya magkaiba ang presyo nila ay hindi dahil sa seller kundi dahil sa quantity at quality.
Ayon sa kalihim, maganda naman ang intensyon ng SRP list pero dapat itong baguhin.
Bagama’t walang itinakdang petsa, umaasa ang DTI na mailalabas nila ang bagong listahan bago ang full implementation ng face-to-face classes sa Nobyembre.