
Nagdulot ng mabagal na daloy ng trapiko ang isang bus sa northbound ng EDSA-Kalayaan sa Makati City.
Pumutok ang isang gulong na nasa driver side ng E.S. Transport Bus habang binabaybay ang EDSA carousel lane kaninang 7:40 ng umaga.
Inabutan ng isang MMDA enforcer ang insidente kaya nakahingi ng saklolo ang driver at agad dumating ang tow truck.
Pero hindi agad naialis ang bus dahil hinantay pang dumating ang gulong na ipapalit dito, makalipas ang tatlumpung minuto.
Wala namang sakay na pasahero ang bus at pabalik na ito sa kanilang garahe sa Cubao.
Bago mag-9 ay dumating rin ang isa pang road emergency tow truck ng MMDA upang tumulong na itabi ang bus para hindi na ito maging sagabal sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA northbound papuntang Guadalupe.