EJ Obiena, pormal nang bumalik muli sa Philippine National Team

Balik na muli sa Philippine National Team si World No. 3 pole vaulter na si EJ Obiena.

Ito ay matapos pormal na binoto ng mayorya ng board members ng Philippine Athletic Track and Field Association (PATAFA) sa pag-reinstate ni Obiena sa national team.

Ayon kay PATAFA Executive Vice President Willie Torres, mapapasama na si Obiena sa kanilang master list kasama ang limang iba pang atleta.


Nagpasalamat naman si Philippine Sports Commissioner (PSC) Officer-in-Charge at Commissioner Olivia “Bong” Coo sa hakbang ng PATAFA upang patatagin ang lakas ng national athletics team.

Mababatid na tiananggal si Obiena dati sa national team kasunod ng isyu na hindi niya binayaran ang kaniyang Ukrainian coach na si Vitaly Petrov.

Facebook Comments