26, patay sa wildfire sa Algeria

69

Umakyat na sa 26 ang bilang ng nasawi sa wildfire sa Algeria.

Apektado ng forest fire ang 14 na distrito sa northern Algeria kung saan 24 sa mga nasawi ay naitala sa El Tarf at dalawa sa Setif.

Patuloy pa ring inaapula ng mga bumbero ang apoy.


Nabatid na taon-taong nakararanas ng forest fire sa Algeria na lumala pa dahil sa climate change.

Noong nakaraang taon, hindi bababa sa 90 indibidwal ang nasawi sa forest fire sa Algeria na tumupok sa 100,000 ektarya nitong kagubatan.

Facebook Comments