
Nakararanas ng water interruption ang ilang lugar sa San Carlos City matapos magkaroon ng electrical wiring breakdown sa 15 MLD Water Treatment Plant.
Ayon sa abiso ng PrimeWater San Carlos City, nagsimula ang water interruption ngayong araw, Mayo 14, alas-otso ng umaga at magpapatuloy hanggang sa susunod na abiso.
Kabilang sa mga apektadong barangay ang Quezon Boulevard, Tarece, Ano, Lilimasan, Bega, Coliling, Paitan, Magtaking, San Pedro, Longos, Mabini, PNR Site, Palaris, Bonifacio, Burgos-Padlan, Bugallon-Posadas, Roxas Boulevard, Rizal, San Juan, at iba pang kalapit na barangay na maaaring makaranas ng low pressure hanggang sa kawalan ng suplay ng tubig.
Humihingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng PrimeWater sa abalang dulot nito at hinihiling ang pang-unawa ng publiko habang isinasagawa ang agarang pagkukumpuni upang maibalik ang normal na suplay ng tubig. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments





