Thursday, May 14, 2026

HAKBANG SA PAGPIGIL SA KRIMINALIDAD, TINALAKAY SA SAN CARLOS

Isinagawa kahapon, May 13, 2026, ang isang mahalagang briefing ng National Police Commission o NAPOLCOM kaugnay ng nalalapit na National Survey on Safety from Crime and Experiences of Victimization sa lungsod ng San Carlos.

Ang aktibidad na ginanap sa San Carlos City Police Station ay naglalayong palakasin ang koordinasyon para sa gagawing survey kung saan susuriin ang pananaw ng publiko ukol sa antas ng kaligtasan at ang mga aktwal na karanasan ng mga mamamayan pagdating sa insidente ng krimen.

Dumalo rin sa nasabing briefing ang mga matataas na opisyal ng kapulisan sa lalawigan.

Ang mga makakalap na datos mula sa survey ay magsisilbing basehan ng pamahalaan sa pagbuo ng mas epektibong estratehiya sa pagpigil sa krimen at pagpapabuti ng serbisyo ng pulisya tungo sa isang mas ligtas at panatag na komunidad para sa lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments