WOMEN EMPOWERMENT SA TAMPOK SA MOTHERS DAY SA SAN NICOLAS; OPORTUNIDAD AT PARTISIPASYON NG KABABAIHAN NANATILING HAMON PA RIN

Isinulong ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang women empowerment at pagkakapantay-pantay kasabay ng Mother’s Day celebration sa bayan.

Dumalo ang mga kababaihan mula sa iba’t ibang distrito at nakilahok sa mga paligsahan, raffle draw, at libreng serbisyo tulad ng gupit, manicure, at pedicure na inilaan para sa may 100 kalahok.

Ayon sa mga organizer, layunin ng aktibidad na kilalanin hindi lamang ang papel ng mga ina kundi pati ang ambag ng kababaihan sa komunidad.

May mga patimpalak din na sinalihan ng mga grupo ng kababaihan, kung saan tumanggap ang bawat grupo ng tig-iisang libong piso bilang suporta.

Sa kabila ng mga inisyatiba, nananatiling hamon pa rin sa maraming komunidad ang mas malawak na usapin ng women empowerment tulad ng oportunidad sa trabaho, kabuhayan, at representasyon ng kababaihan sa mga desisyon at programa ng lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments