Thursday, May 14, 2026

SENIOR HIGH SCHOOL ACHIEVERS AT PALARONG PAMBANSA ATHLETES SA ALAMINOS CITY, NAKATANGGAP NG CASH ASSISTANCE

Nakatanggap ng cash assistance ang labinlimang Senior High School achievers at labing-apat na Palarong Pambansa athletes mula sa City of Hundred Islands Employees Multi-Purpose Cooperative o CHIEMPCO sa Alaminos City.

Isinagawa ang simpleng awarding ceremony bilang bahagi ng Social Development Plan ng CHIEMPCO na pinondohan mula sa naging kita ng kauna-unahang CHIEMPCO Raffle Bonanza 2026.

Pinuri naman ng lokal na pamahalaan ang inisyatibo ng kooperatiba dahil malaking tulong at inspirasyon umano ito para sa mga atleta na lalahok sa national games at sa mga estudyanteng magsisimula ng kolehiyo.

Nagpasalamat din ang Department of Education sa patuloy na suporta at corporate social responsibility efforts ng CHIEMPCO para sa mga kabataan at mag-aaral sa Alaminos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments