Numancia, Aklan – Patuloy na inoobserbahan ngayon sa Intensive Care Unit (ICU) ng Aklan Provincial Hospital ang empleyado ng isang radio station matapos na maaksidente kagabi sa national highway ng Brgy. Laguinbanua East, Numancia, Aklan kagabi. Ang biktima ay nakilalang si Daniel Tonel, 48-anyos at residente ng Brgy. Tayhawan, Lezo. Base sa report na papauwi na si Tonel galing sa bayan ng Kalibo pero pagdating sa lugar ito ay naaksidente ito dahil sa hindi napansing mga hukay sa gilid ng national highway na halos masakop na ang half lane ng kalsada. Dahil dito ay hindi agad sya naka preno dahilan para bumaliktad ang minamanehong tricycle at nadaganan ang biktima kung saan nagtamo ito ng malubhang pinsala sa ulo at sugat sa ibang parte ng katawan. Nagresponde naman ang mga taga MDRRMO Numancia, Numancia PNP at ilang mga residente sa lugar saka dinala ito sa hospital. Samantala, napag-alaman na ang mga hukay sa gilid ng highway sa Numancia ay kagagawan ng DITO Telecommunications Company na nauna ng inireklamo nga mga motorista at residente dahil sa napaka delikado dahil walang tamang mga warning devices na makita kaagad ng mga motorista lalo pa sa gabi. Bago pa man maaksidente si Tonel ay may ilan ng naaksidente dahil sa mga hukay at may mga muntikan pang maaksidente. Ayon sa Numancia PNP, posibleng makasuhan ang contractor at mapanagot dahil sa kanilang kapabayaan.
Empleyado ng isang radio station, naka-ICU matapos maaksidente
Facebook Comments