En-Corona virus mula China wala pa sa probinsiya ng Aklan ayon sa Provincial Health Office

Kalibo, Aklan— Wala pang opisyal na kumpirmasyon ang Department of Health o DOH sa mga samples na kinuha mula sa tatlong Chinese national na nakitaan ng simtomas ng nakakahawang sakit sa Kalibo International Airport noong nakaraang byernes.

Sa interview ng RMN DYKR Kalibo kay Dr. Cornelio Cuatson Jr. ng PHO Aklan na ngayong hapon pa umano maglalabas ng official statement ang DOH tungkol dito.

Ipinahayag rin nito na hindi sumailalim sa quarantine ang mga Chinese at kinuhaan lamang ito ng mga sample sa pamamagitan ng swabbing.


Ang 65 anyos na lalaki mula sa Chong Ging China, tatlong taong gulang na batang babae na taga Shanghai at 29 anyos na babaeng taga Jiangsu Province China ay dumating sa Aklan sa magkakahiwalay na flights.

Dagdag pa nito na wala pang Health Red Alert status sa buong lalawigan subalit kasalukuyan nilang hinahawakan ang sitwasyon sa pinakamataas na antas.

Sa ngayon naka alerto rin ang kanilang tanggapan at kasalukuyang nakikipagtulungan sa ibat ibang ahensya para sa pagmonitor sa mga turistang mula sa China.

Facebook Comments