Entrance at exit ng gumuhong Chuzon Supermarket, natunton na

Naabot na ng mga rescuer ang entrance at exit ng gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Region 3 Director Senior Superintendent Samuel Tadeo, wala na silang nakitang sign of life o palantandaang ng buhay sa gumuhong gusali simula pa noong Miyerkules.

Sinabi naman ni Lieutenant Colonel Joel Sobrera, commander ng Philippine Army (PA) Disaster Response Unit, gumamit sila ng life locator para matiyak na mayroong pang buhay sa loob ng Chuzon Supermarket.


Aniya, naging pahirapan ang pagpasok sa gumuhong supermarket dahil kailangan pang baklasin at butasin ang mga pader.

Facebook Comments