Environment Secretary Gina Lopez – muling sumalang sa Commission on Appointments; kapalaran ng kalihim – posibleng desisyunan na ngayong araw

72

Manila, Philippines – Humarap ngayon sa makapangyarihang Commission on Appointments si DENR Secretary Gina Lopez.
Kasunod ito ng muling paggulong ng confirmation hearing ni Lopez sa pagbabalik sesyon ng kongreso.
Matatandaan na bypass ang appointment ni Lopez matapos ang dalawang hearing at muli itong ni-reappoint ng Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril 17.
Kasabay nito, kinumpirma ni Senator Panfilo Lacson na posibleng desisyunan na ng C-A ang kapalaran ni Lopez.
Sa mga naunang confirmation hearing, dumalo ang iba’t ibang grupo na nanawagan ng pagkontra sa kumpirmasyon ni Lopez dahil sa pagiging incompetent umano nito para maging environment secretary.
Pinakatinutulan sa mga naging desisyon ni Lopez ay ang pagpapasara sa halos 30 minahan at pagkansela sa higit 70 mga mining contracts.

Facebook Comments