Erich Gonzales, kinumpirmang may nagpapatibok na sa kanyang puso

Kinumpirma ng aktres na si Erich Gonzales na may karelasyon na siya ngayon.

Pero mas gusto raw ng aktres na panatilihin itong pribado dahil isang pribadong tao ang nagpapatibok ng kanyang puso.

Sa ipinost na vlog ni Erich noong Lunes, isang netizen ang nagtanong kay Erich kung bakit pinili niyang huwag ibahagi ang kanyang love life.


Say ng 28-year-old actress, gusto niya lang protektahan ang mga mahahalaga sa kanyang buhay.

Nabatid na noong nakaraang taon pa malakas ang chikang may idini-date na si Erich na isang non-showbiz guy pero hindi niya ito kinukumpirma.

May mga lumalabas din noon na ang suitor niya ay ang kapatid ng boyfriend ni Claudia Barretto.

Si Claudia ay anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla at kapatid ni Julia Barretto.

Facebook Comments