Estado ng Pilipinas sa larangan ng basketball, inaasahang maiaangat ng Gilas

Malinaw para kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Chairman Senator Sonny Angara na hindi tsamba ang ikalawang pagkakataong pinataob ng Gilas Pilipinas ang koponan ng South Korea sa Group A ng Asia Cup Qualifiers.

Tiwala si Angara na sa ipinakikitang bangis ng Gilas, ay siguradong ito na ang bubuhat sa estado ng Pilipinas sa larangan ng basketball sa mga darating na panahon.

Diin pa ni Angara, malaki ang pag-asa ng Philippine basketball na bumalik sa dating sigla nito dahil sa ipinakikitang galing at dedikasyon ng mga manlalaro, gayundin ng coaching staff.


Kaugnay nito, siniguro ni Angara na bilang opisyal ng SBP ay patuloy ang kanyang pagsuporta sa anumang programa nito na mag-aangat sa Philippine basketball.

Facebook Comments