Estudyante, nag-disenyo ng ‘period-proof’ underwear

via Mercury Press

Tagos no more na nga ba para sa mga kababaihan?

Isang estudyante ang nakagawa ng iba’t-ibang disenyo ng “period-proof” underwear na hindi raw tatagusan hanggang 18 buwan na paggamit.

Pinag-aralan, dinisenyo, at sinubukan ito ni Sian Hickey, 21-anyos, bilang bahagi ng kanyang final project sa Leicester De Montfort University.


Ayon kay Sian, ang koleksyong ito ay maaaring suotin kahit na walang napkin o pads, o tampon.

Gaya ng normal na underwear, maaari itong labhan at gamitin ulit.

Test gamit ang pekeng dugo. (Mercury Press)

Para kay Sian, kahit mayroon nang ‘period pants’ na puwedeng alternatibo sa napkin at tampon, hindi raw ito “attractive” tignan.

Ani Sian, gusto niyang maging “sexy” pa rin ang pakiramdam ng ibang babae kahit na sa period days.

“I wanted to try and make period proof lingerie that I’d be proud to wear, something that makes people feel sexy despite the fact they’re on their period.”

(via Mercury Press)

Inilabas niya ang kumpletong apat na design ng kanyang proyekto sa Contour Fashion Show sa London.

Facebook Comments