Isinulong ni Occidental Mindoro Rep. Leody “Odie” Tarriela, na magpatupad ng ‘progressive excise taxation’ partikular sa diesel at unleaded premium gasoline.
Mungkahi ito ni Tarriela, kasunod ng anunsiyo sa nakatakdang ‘big time price hike’ at sa layuning maibsan ang mabigat na epekto sa patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa inihaing House Bill no. 3628 ni Tarreila na ang excise tax na ipinapataw sa dalawang nabanggit na petroleum products ay babawasan kapag tumataas ang presyo nito.
Diin ni Tarriela, kapag naisabatas ang kaniyang panukala, ang nakaakmang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay maiibsan ng kaunti at magiging mas mababa ang excise tax ng ₱6 sa gasoline at ₱3 naman sa bawat litro ng diesel.
Magugunita na sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, ang excise tax na ipinapataw sa diesel ay nasa ₱6 per liter habang ₱10 naman sa gasolina, na ipinatupad simula noong taong 2020.