
Nanatiling mataas ang presyo ng palay ngayong harvest season sa kabila ng pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., hindi direktang naapektuhan ang farmgate price ng palay kahit tumaas ang gastos sa petrolyo na ginagamit sa makinarya ng mga magsasaka.
Ipinaliwanag ng kalihim na bunsod ng mataas na presyo ng petrolyo na may kaugnayan sa tensyon sa Middle East ay ginagawa ng pamahalaan ang mga hakbang upang maprotektahan ang kita ng mga magsasaka.
Kabilang dito ang pagpapatupad ng fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda.
Dagdag pa niya, batay sa monitoring ng DA, nananatiling mataas ang farmgate price ng palay kaya hindi nalulugi ang mga magsasaka.
Dumalo si Tiu-Laurel sa rollout ng P20 rice program sa Makati City kaninang umaga.










