Face to face classes sa Brgy. Laserna Nabas dadaan pa sa mahabang proseso ayon sa DepEd Aklan

Numancia, Aklan— Dadaan pa sa mahabang proseso ang pilot implementation ng face to face classes. Ito ang sinabi ni Dr. Miguel Mac Aposin, Schools Division Superintendent sa interview ng RMN DYKR Kalibo. Ayon sa kanya na naunang inihayag ng kagawaran na isa ang Laserna Integrated School sa bayan ng Nabas sa mga eskwelahan sa buong bansa na magsasagawa pilot face to face classes sa November 15. Dadaan umano sa masusing proseso kagaya ng risk assessment ang eskwelahan dahil sa banta ng COVID 19 pandemic. Dagdag pa nito na ang listahan ng mga eskwelahan ay nakapasa sa pagsusuri at assessment ng Department of Health ngunit ang DepEd aniya ay may hiwalay ring panuntunan. Isa na rito ay ang schools safety assessment kung san ang DepEd Aklan ang magsasagawa nito at ibibigay ang resulta sa Regional at National office para sa approval bago umpisahan ang klase. Sa katunayan aniya ay may mga eskwelahan pa sa probinsya na pwede pa sanang maisama sa listahan ngunit tanging ang Laserna Integrated school ang naunang nakapag submit ng requirements.

Facebook Comments