Cauayan City, Isabela- Naging matagumpay ang pagdaraos ng University of Saint Louis-Tuguegarao City, Cagayan sa kauna-unahang face-to-face graduation ceremony kahapon, Pebrero 5, 2022.
Matatandaan na simula noong naideklara ang ‘total lockdown’ sa buong Luzon noong ika-16 ng Marso 2020, ipinagbawal na ng IATF ang pagsasagawa ng mga paaralan ng face-to-face graduation ceremonies dahil na rin sa banta ng COVID-19.
Dahil dito, naging virtual graduation na ang pagsasagawa nito.
Ayon kay Engr. Chrizel Parcon na nagtapos ng Masters of Engineering, masaya siya at naging face-to-face ang kanilang graduation dahil aniya isa ito sa pinakaaabangan ng mga mag-aaral lalo na ang kanilang mga magulang.
Mahigpit namang ipinatupad ng pamunuan ng unibersidad ang mga minimum health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask, physical distancing at paglilimita sa bilang ng mga kamag-anak ng magsisipagtapos na maaaring dumalo nang pisikal.
Facebook Comments