Saturday, November 21, 2026

Ilang Noche Buena items, tumaas ang presyo mahigit isang buwan bago ang Pasko

Matumal ngayon ang bentahan ng mga pang-noche buena item kumpara sa parehong period noong nakaraang taon.

Ito ang sinabi ng ilang tindera sa Pasig Mega Market kasabay ng price at supply monitoring ngayong araw ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ng tinderang si noong nakaraang taon Oktubre pa lang ay ramdam na ang pagdami ng mga bumibili sa kanila.

Pero ngayon, sobrang tumal aniya pero naiintindihan naman nila kung bakit hindi pa bumibili ang publiko.

Pero isa aniya sa dahilan ng pagtumal ng bentahan ay ang tumaas na presyo ng bilihin.

Nasa ₱5 hanggang ₱10 aniya ang itonaas na ng ilang Noche Buena items.

Facebook Comments