Monday, November 23, 2026

Mahigit 6 na libong pulis, ide-deploy para magbigay tulong sa mga maaapektuhan ng 2 araw na tigil-pasada; libreng sakay program, ia-activate ng pulisya

Nasa mahigit 6,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang ide-deploy sa buong Metro Manila para sa inaasahang 2 araw na transport strike ng grupong Manibela simula sa November 23 hanggang 24.

Bilang parte ng preparasyon ng pulisya sa nasabing tigil pasada, ia-activate ng NCRPO ang Libreng Sakay program gamit ang mga bus ,trucks, at vans ng PNP sa mga lugar sa Baclaran, Paco at Nagtahan sa Manila, Caruncho Avenue sa Pasig City, at South Caloocan.

Ang mga police assistance teams naman ay ipo-posisyon sa mga estratehikong mga lugar para magbigay tulong sa mga komyuter.

Samantala, nakikipag-ugnayan naman na ang PNP sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA),lokal na pamahalaan at iba pang kaugnay na ahesya para tumulong sa pagmanage ng kondisyon ng trapiko.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., naiintindihan nito ang hinaing ng mga tranport workers sa kanilang karapatan sa pamamahayag gayundin ang mga komyuters na na kailangang makarating sa kanilang paroroonan.

Hinimok naman ng Pambansang Pulisya ang publiko na planuhin ang mga byahe ,imonitor ang mga opisyal na abiso mula sa kinauukulang ahensya at humingi ng tulong mula sa mga designated desk ng pulisya kung kinakailangan.

Facebook Comments