Mallig, Isabela – Isinagawa ngayong araw ang Farmers Congress sa bayan ng Mallig Isabela sa pangunguna nina Governor Fauatino “Bojie” Dy III, Vice Governor Antonio “Tonypet” Albano at mga Department Heads ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.
Ayon kay ginoong Romy Santos, Media Consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na ang Farmers Congress ay matagal nang programa ng kapitolyo kung saan lahat ng serbisyo ng provincial government ay dinadala sa ibat ibang bayan ng Isabela.
Sa katunayan umano ay natapos nang suyurin ang apat na coastal area maging ang ilang lungsod ng lalawigan.
Sinabi pa ni ginoong Santos na nabigyan ng Php200,000.00 ang bawat barangay sa bayan ng Mallig para sa kanilang mga itatayong proyekto.
Samantala ang tulong pinasyal na para sa lahat ng barangay ay mula sa badget ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa taong 2017 na naantala lamang ang pamamahagi nito dahil sa nagkaroon noon ng obserbasyon ang Commission on Audit o COA.