FIELD TRIPS SA LGU MANAOAG, PANSAMANTALANG IPAGBABAWAL DAHIL SA FUEL RESTRICTIONS

Pansamantalang ipagbabawal ang mga field trip ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Manaoag bilang bahagi ng ipinatutupad na fuel restrictions ngayong Marso.

Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 25 na inanunsyo sa ginanap na flag ceremony kahapon, Marso 9.

Layunin ng hakbang na ito na makatipid sa paggamit ng gasolina at iba pang resources ng pamahalaan sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin.

Kabilang sa mga ipatutupad na hakbang ang limitadong paggamit ng air-conditioning, mandatory switch-off policy ng mga electronic device kapag hindi ginagamit, at paghihigpit sa paggamit ng mga sasakyan ng pamahalaan.

Dahil dito, kabilang sa mga apektado ang mga field trip na nangangailangan ng transportasyon.

Kasama rin sa kautusan ang pagpapatupad ng apat na araw na work week kung saan mag re-render pa rin ng 40 oras na trabaho ang mga empleyado mula alas-7 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Hindi naman sakop nito ang ilang mahahalagang tanggapan tulad ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Rural Health Unit (RHU).

Patuloy rin ang 24/7 na operasyon ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).

Hinikayat ng pamahalaan ang mga empleyado na gumamit muna ng pampublikong transportasyon o mag-commute sa pagpasok sa trabaho upang makatipid sa gasolina. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments