Financier umano ng Maute, dawit sa pambo-bomba sa Cagayan De Oro City – timbog – mga matataas na kalibre ng baril at lider ng gun running syndicate na itinuturong supplier ng mga armas ng Maute – nasakote din

Manila, Philippines – Hawak ngayon ng Martial Law Special Action Group ang kinikilalang financier ng Maute group na si Monalisa Romato

Ayon kay Cagayan De Oro City Police Office Spokesman Chief Inspector Mardy Hortillosa – nahuli si Romato sa isinagawang raid sa inu-upahan nitong bahay sa Mandumol, Macasandig, Cagayan De Oro City.

Target ng pagsalakay si Irene Edris, pinsan ni Farhana Maute na ina ng Maute brothers ngunit hindi ito nadatnan at ang naabutan ay si Romato alyas Monay, na siyang financier sa pambobomba sa lungsod ng Cagayan De Oro.


Nabatid na nang nahuli sa CDO ang Maute trained bomb expert na si alyas Abu Jaded, at mga kasamahan sa Ilo-Ilo City ay ikinanta nito ang pangalan ni Monay na siyang pinagkukunan nila ng mga materyales sa paggawa ng bomba.

Na-recover din mula sa kanilang bahay ang apat na unit ng m23 granade, 3 plastic cap., battery holder, c4 explosive, detonating cord, incandescent bulb., jungle knife at ammuniom nitrate.

Una nang lumutang sa imbestigasyon ng otoridad na may plano ang grupo na magpasabog ng bomba sa Cagayan De Oro at Iligan City, matapos ang ramadan.

Facebook Comments