Firecracker at fireworks display zone sa Gensan, inihahanda na para sa pagsalubong ng bagong taon

General Santos City—isinagawa na kahapon ang final briefing para sa mga lugar kung saan gagawin ang fire cracker Zone at Community fireworks display zone para sa darating na pagsalubong ng bagong taon ng mga taga Gensan.

Dumalo sa final briefing ang mga barangay Officials, PNP, City Disaster Risk Reduction and Management Council, at iba pang ahensya na may kinalaman sa pagpatupad nito. Pinangunahan ni Vice mayor Sherlyn Nograles ang nasabing briefing.

Kasama sa mga pinag-usapan ang mga lugar o designated area na dadaosan nito. Dapat umano malayo sa mga kabahayan ang nasabing fire cracker at community fireworks display Zone para makaiwas sa sunog.


Pinaalalahanan din ng PNP ang mga barangay officials sa mga paputok at Pyrotechnics na pweding gamitin para dito.

Inaasahan din ng PNP ang kooperasyon ng lahat ng mamamayan ng Gensan sa pamamagitan ng hindi pagpaputok ng mga fire cracker sa kanilang mga bahay kasabay ng pagsalubong ng bagong taon, bagkos makisaya nalang sila sa fireworks at firecrackers zone sa kanilang bararangay para iwas disgrasya.

Facebook Comments