Ustads patay sa pamamaril kahapon

Patay ang isang Ustads matapos itong mabiktima ng pamamaril kahapon 1:50 ng hapon sa sinsuat avenue unahan lamang ng Huskay terminal barangay RH-9 cot.city.
Kinilala ang biktima nasi Ustads Fahad Kambal 25 anyos na residente ng Mabini street barangay Bagua tres ng lungsod..Siyay tinamaan sa ulo mula sa caliber 45 pistol na baril base narin sa narecover na mga basyo sa crimescene.
Batay sa inisyal na inbestigasyon ng police station two, sakay umano ang biktima ng kanyang Honda wave single motorcycle ng barilin ng hindi pa nakikilalang mga suspect…Matapos ang pamamaril ay mabilis namang tumakas ang mga salarin.
Sa ngayon ay blanco pa ang kapulisan kung anu ang motibo sa krimen habang nagpapatuloy naman ang inbestigasyon ni PCI Efren Salazar.

Facebook Comments