Kalibo, Aklan – Boluntaryo na nagpa check-up ang isang 24-anyos na flight attendant matapos na magka ubo galing China.
Ito ang kinumperma ni Dr. Cornelio Cuachon Jr., Provincial Health Officer I ng Aklan Provincial Health Office (PHO) na ang nasabing Pinay ay nakaramdam ng sintomas ng corona virus matapos ang flight galing Wuhan City na unang pinagmulan ng bagong uri ng coronavirus.
Dumating ang nasabing flight attendant sa Kalibo International Airport noong Martes.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang confirmatory at test result para malaman kung positibo ito sa new coronavirus matapos na magpadala na rin ng samples sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM.
Sa ngayon ay naka-alerto pa rin ang Provincial Health Office ng Aklan habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon.
Hinimok din ni Cuachon ang publiko na ugaliing maghugas ng kamay at panatilihin ang kalinisan o proper hygiene.
Dagdag pa ni Cuachon, kapag bumiyahe galing China ay agad ding magpa-konsulta kapag may simtoma ng trangkaso.
Pinasiguro naman ng Aklan Provincial Helath Office na ang Bureau of Quarantine ay nakasubaybay sa lahat ng paliparan at pantalan sa probinsya.
Flight stewardess galing sa China, boluntaryo na nagpa check-up matapos na magka ubo
Facebook Comments