France, may bago ng Prime Minister

25

May bagong ng Prime Minister ang France.

Ito ay sa katauhan ni Centre-Right Mayor Jean Castex.


Hinirang ni French President Emmanuel Macron si Castex bilang bagong Prime Minister makaraang magbitiw sa pwesto si Prime Minister Edouard Philippe matapos ang tatlong taon na panunungkulan.

Ang 55-anyos na si Castex ay isang senior civil servant at naging malaki ang papel sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

Bunsod nito, inaasahan na rin ang mga ipapatupad na reshuffle sa gobyerno ni Macron lalo na’t normal na practice na sa Pangulo ng France na magpalit ng kaniyang prime minister sa kaniyang limang taon na panunungkulan.

Facebook Comments